Deserve natin lahat maging masaya — kahit sa iba pa mapunta.Dahil hindi lahat ng tao o bagay n
Deserve natin lahat maging masaya — kahit sa iba pa mapunta.Dahil hindi lahat ng tao o bagay na nasa iyo ngayon ay para sa'yo talaga.Ito ang sinasabi nilang “Ipinagtagpo, ngunit hindi itinadhana”Dahil sa dulo natin malalaman ang kanilang halaga; ‘pag sila ay wala na.Maikli lang ang buhay kaya dapat araw-araw ay sinusulit.Ayos lang ang magkamali ng isang beses, pero hindi dapat inuulit.Tandaan ang mga bagay na ito; sa puso’t isipan mo ay dapat inuukit.Dahil ang mga sandaling ito ay nakaw lang at pinaparusahan ang mga nangungupit.Ibigay mo na ang lahat-lahat habang nabubuhay ka.Dahil sa maiksi nga lang ang buhay, pero mas maiksi pa ang sa iba.Matutong magpasalamat, matutong magmahal, matutong magpakumbaba.Salamat sa Diyos para sa araw na ito dahil ako'y nabigyan pa. -- source link